6.21.2006

12 weeks and 6 days

thug-dug thug-dog thug-dug ...

napakinggan lang sandali
pero para akong nagwagi
musika sa aking pandinig
kahit di naman tinig

thug-dug thug-dog thug-dug ...

muntik ng mapaluha
bakit ganun nadarama
tunog lang naman di ba?
pero sobrang napakahalaga

thug-dug thug-dog thug-dug ...

ang panganay ko
tumitibok ang puso
sa sinapupunan ng mahal ko...

himala namang totoo